Mga Salot Sa Planetang B
Natural talaga akong laitera. Madali akong maiinis lalo pag gutom. Sana nga naging matangkad na lang ako para mas may karapatan akong mam-bully. Hehe…
Madami talagang salot sa Planetang B, madalas nagwi-wish ako na sana ang super power ko na lang ay yung tulad kay Jean Grey ng X-Men para mas madali ko silang maiwaksi. Di naman kami nagkakalayo ni Jean Grey e. Pareho kaming walang kapa, parehong sexy, parehong maganda, parehong hirap kontrolin ang sarili. Ang lamang lang ni Jean Grey, meron s’yang lakas ng loob magsuot ng tights.
Mabalik tayo sa mga salot. Kahit san naman atang planeta ka mapunta, kahit pa saang galaxy may salot. Bigla ko atang na-imagine na merong parallel universe kung saan ang politiko natin ngayon sa Pilipinas ay mga butiki at insekto doon. Dobol salot. Sa Planetang B, sandamakmak talaga ang salot, at ang tangi ko lang panlaban ay ang aking super powers na malamang meron ka din. Pag may nakikita o nakakasalubong akong salot, binibigyan ko s’ya ng fatal stare na may laser beam na kulay pink at sabay wish na sana malasin sila. Minsan sablay powers ko, pero minsan naman chumachamba. Siguro kailangan lang ng konti pang practice.
Heto na sila, mga salot sa Planetang B…
Salot #1: Mga mahilig mangulit sa chat.
Kapag nagpapahinga ako sa aking homebase, gamit ko usually ang mabagal kong Dell Inspiron laptop, na sinanla sakin noon sa halagang P20,000. Kung sa opisina naman (na aking secret job, na maihahalintulad sa pagiging photojournalit ni Peter Parker aka Spiderman), ganun din, mabagal din ang computer ko. Ang hindi lang ata talaga mabagal ay ang radar ko sa mga nakakainis na mga nilalang ng Planetang B.Dahil nga mabagal ang mga computers na gamit ko, madalas konti lang ang binubuksan kong applications para hindi mag-hang ang computer. Kung sa Facebook, madalas offline mode ako sa chat. Madalas din, Meebo ang gamit ko kung gusto ko i-check ang YM ko. Pano ba naman kasi, sa unang segundo palang na mag-online ako e meron na kagad akong natatanggap na mga messages (hanep! in demand!). Hindi sa sobrang taray ko, pero mabagal lang talaga ang mga computers na gamit ko at para sa’kin abala na yon lalo kung ang gusto lang naman nila ay magpapansin at magsabi ng “hi, CTC?”
Salot#2: Mga matatangkad na may putok.
Hindi nga ako katangkaran, inamin ko na yan. Naiinis lang talaga ako tuwing sumasakay ako ng MRT. Dahil tuwing nakatayo ako, sumasakto ang cute kong muhka sa kili-kili ng mga mamang nakataas ang mga kamay para kumabit sa hand rails ng tren. Kapag madami akong dala at di ko kayang takpan ang ilong ko, napapayuko na lang ako. Para akong bayani noong araw na tino-torture. Siguro nga di pa naimbento ang paligo at deodorant sa planeta nila.Salot#3: Mga mahihilig manghingi ng pagkain ni Super Babs.
Hindi ako madamot sa pagkain, mapagbigay ako actually. Minsan lang talaga, ayoko mamigay ng mga paborito kong pagkain. Pagbigayan n’yo na ko.Salot#4: Mga coño.
Mga taong hindi kayang direchuhin ang mga dila nila para sabihin ang letrang R. Mga taong hindi makabuo ng isang sentence na walang “dude” o “gurl”. Mga taong mahilig i-broadcast sa buong universe na may pera sila at wala silang ibang alam kundi ang gastusin yun. Tipo bang “dude, you know, galing akong mall, I bought this (blah) at it’s so cool, like sobra!” o kaya naman “gurl! let’s go to this mall & bili some shoes kasi you know luma na yung shoes na binili ko last week.”Salot#5: Mga adik.
Mga taong mahilig magpalit ng profile picture maya-maya sa Facebook man o Friendster o Multiply, pero yun pose pare-pareho naman, puros pa-cute at puros sila lang din ang kumuha gamit ang camera phone o digicam.Salot#6: Mga social climbers na pulubi.
Naku kailangan pa ba explain? E di mga tao na muhka namang nasubsob sa tae ng kalabaw, pero kung makaasta e kala mo madaming pera na pwedeng isampal sa’yo. Best example dito ay yung mga kabataan na mahilig tumambay sa Starbucks pero di naman bumili. Puros hard core taglish pa, mali-mali pa rin naman. Kung magpapanggap kayong mayaman, wag n’yo pahalata na wala kayong pera.Salot#8: Mga di kagandahang mga babaeng mataas ang tingin sa sarili.
Hindi ko sinabing kung pangit ka, magpaka-shy ka o pa-humble ng sobra. Naiirita lang talaga ako sa mga babae na may lakas pa ng loob mang-isnab e kung tutuusin maganda pa paa ko sa kanila. Minsan pa, hanep sa porma, kulang na lang matinong make-up at kabaong, pero kung umasta e kala mo lahat ng tao sa paligid nila e mga ipis.Salot#9: Mga matatanda na walang modo.
Naku madalas ako biktima ng mga matatanda na inaabuso ang edad nila, naniningit sa pila, nanunulak sa daan, nang-iipit, nagkukuripot sa tindahan, nagsusuot ng sey-ing damit na kita ang wrinkled na cleavage nila, etc. Di po purket matanda e wala na rin tayong manners. Di pwedeng, tumatanda na parang walang pinagkatandaan.Salot#10: Mga ex boyfriends.
Ilan palang naman ang mga naging ex ko, sila Superman at Spider Pig. Pero lahat sila salot dahil iniwan nila akong luhaan. Kala naman nila kung sino sila! Hrmp!Madami pang mga salot sa Planetang B, tingin ko nga padami sila ng padami. Pero dahil pagod na ko mag-type, sige gagawin ko na lang na sampu ang listahan ko.
-pwede ka ng tawaging babie ang, pinsan ni bob ong.. :P
-
e-shi liked this
-
rockafella26 liked this
-
josannn liked this
-
brainfartingideas liked this
-
shobelissima liked this
-
herficklemind liked this
-
extraordinerie liked this
-
iameyie liked this
-
misteruse reblogged this from babiefortin and added:
tawaging babie ang, pinsan
-
superchin liked this
-
miss-emoticon liked this
-
juanrepublic liked this
-
chacharawrisse liked this
-
thenicolefiles liked this
-
bosesatgitara liked this
-
apolloverse liked this
-
dakilangtamad liked this
-
ricemonsterr liked this
-
prettylittlemayhem liked this
-
photografairy liked this
-
amateurdreamer liked this
-
markvader liked this
-
thebitchslapper liked this
-
anjj liked this
-
marianojuancho liked this
-
babiefortin posted this